top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maagap na aksiyon, naiwasan ang pagkalat ng bird flu sa Pampanga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 30, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Labis ang pasasalamat ng Bureau of Animal Industry (BAI) na naaksiyunan agad at hindi na kumalat pa ang bird flu sa Pampanga.


“Yun po ang ikinatutuwa natin. Isa lang ang na-detect sa July surveillance natin. At yun pong mga paligid na pinagkukuhanan ng commercial farms, backyard farms, negative po lahat sa laboratory,” ayon kay BAI Director Dr. Ronnie Domingo.


Gayundin, sabi ni Domingo, naresolba na ang problema ng bird flu o H5N6 sa bayan ng San Luis dahil sa mabilis na pag-aksiyon ng ahensiya lalo na ng mga residente.


"Immediately, nagkaroon ng depopulation. Nailibing na po yun. Na-dispose na po yun layers, yung mga itlog, yung feed. Nag-cleaning, nag-disinfection at ‘di na natin itinuturing na problema po yun,” ayon kay Domingo.


Marahil natuto na ang mga residente sa nagaganap sa bansa kaya agad nalulutas ang problema, sabi ni Domingo.


"Mabilis nang mag-report. Mabilis na rin umaksiyon mga kasama natin sa field,” sabi pa niya.


Gayunman, pinayuhan ni Domingo ang mga farm owner na magkaroon ng mahigpit na biosecurity measures aniya, "dahil yun na lang po pag-asa natin para maiwasan ang sakit na galing sa labas.”


Gayundin, mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang walang makapasok na peste, gaya ng daga na maaaring magbigay ng sakit sa mga alaga nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page