top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Maagang nagising at makapal na fog

BULGAR
Oct 25, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 25, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Zambales.


Dear Maestra,


Nais kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na maaga akong nagising at halos hindi pa nagbubukang-liwayway. Paglabas ko ng bahay, ang kapal ng fog at napapalibutan nito ang buong paligid.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loida


Sa iyo, Loida,


Ang panaginip mo na maaga kang gumising at paglabas mo ng bahay ay makapal ang fog at napapalibutan ang paligid ay nagpapahiwatig na hindi maganda ang love life mo sa kasalukuyan. Ibig sabihin, nagkakalabuan kayo ng karelasyon mo at maaaring mauwi ito sa hiwalayan kung hindi ka gagawa ng paraan para bumalik ang dating tamis ng pagmamahal niya sa iyo.


Gayundin, marami kang karibal sa pagmamahal niya at maaaring matukso siya at tuluyan nang lumabo ang inyong relasyon.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page