top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

M. Mla., No. 1 worst traffic in the world, Marcos Admin, nganga!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 18, 2024


METRO MANILA TRAFFIC PINAKAMALALA SA MUNDO -- Sa inilabas na data ng TomTom Traffic Index nitong nakalipas na year 2023 patungkol sa problemang trapiko sa 387 cities sa buong mundo ay naitala nito ang Metro Manila na number 1 sa buong mundo na may pinakamalalang problema sa trapiko.


Kumbaga, parang inanunsyo na rin ng TomTom Traffic Index na pagdating sa pagbibigay solusyon sa problemang trapiko, “nganga” ang Marcos administration, boom!


◘◘◘


PARANG SINABI NA RIN NG DA NA MATAGAL PANG MAGDURUSA ANG MAMAMAYAN SA MAHAL NG PRESYO NG BIGAS -- Inamin ni Usec. Roger Navarro ng Dept. of Agriculture (DA) na hirap pa rin ang kagawaran na maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.


Bad news ‘yan, kasi parang sinabi na rin niya na matagal pang magdurusa ang mamamayan, lalo na ang mga maralita sa mahal na presyo ng bigas, tsk!

◘◘◘


MAIBABA NA KAYA NI SEC. LAUREL, PRESYO NG BIGAS SA PAGTALAGA NIYA SA ‘TAO’ NIYA BILANG USEC. NG DA? -- Itinalaga ni Dept. of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel ang kanyang chief of staff na si Alvin John Balagbag bilang undersecretary ng DA.


Ang tanong: Bababa na kaya ang presyo ng bigas sa pag-appoint ni Sec. Laurel sa kanyang “tao” sa DA?


Kung hindi naman mapapababa ang presyo ng bigas, aba’y dapat iwasan na ni Sec. Laurel ang pagtatalaga ng kanyang mga “tao” sa DA, lalo na sa posisyong undersecretary na may suweldo umanong higit P211K kada buwan dahil pahirap nang pahirap ang buhay ng mamamayan, at wala namang nagagawa ang DA para mapababa ang presyo ng bigas, tapos nagtatalaga pa ang DA secretary ng “tao” sa DA na may nakakalulang suweldo buwan-buwan, period!

◘◘◘


PANG-UUNGGOY NA NAMAN KAYA SA MAGSASAKA ANG PROMISE NI P-BBM NA BAGO MATAPOS ANG TERM NIYA SA YEAR 2028 NAIPAMAHAGI NA ANG TITULO SA MGA BENEPISYARYO NG LAND REFORM? -- Nag-promise si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na bago matapos ang kanyang termino sa year 2028 ay maipapamahagi na ang mga titulo ng lupa sa lahat ng mga magsasakang benepisyaryo ng land reform program ng pamahalaan.


Hindi naman kaya isang uri na naman ng pang-uunggoy ‘yan sa mga magsasaka, tulad nang ipinangako ng Presidente na magiging P20 per kilo ng bigas at magpapatayo siya ng isang milyong pabahay taun-taon na parehong sumablay, at parehong ‘di nagkaroon ng katuparan, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page