top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

M. Mla. no. 1 na sa pinakamalalang trapik sa buong mundo, grabe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 21, 2024


Mula sa ikalawang puwesto noong taong 2019, nasungkit na ng Metro Manila nitong 2023 ang unang puwesto para sa may pinakamalalang lagay ng trapiko sa buong mundo.


Batay sa pag-aaral ng TomTom Traffic Index, gumugugol ang bawat motorista ng 25 minuto at 30 segundo na travel time sa bawat 10 kilometro sa Metro Manila.Gayunman, ang naturang pag-aaral ay hindi umano sinang-ayunan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, nais nila ng paglilinaw sa datos na inilabas ng TomTom dahil hindi rin umano niya alam ang sitwasyon ng trapiko sa ibang bansa.Hindi umano alam ng MMDA kung ano ang methodology na in-employ ng TomTom para sabihing number 1 ang Metro Manila.


May basehan man o wala ang nasabing pag-aaral, hindi naman talaga maitatanggi ang masamang lagay ng trapiko sa bansa partikular sa Metro Manila.


Isa sa sinasabing dahilan ay ang pagdami ng mga sasakyan.Dagdag pa ang problema sa mismong mga kalsada na kung hindi lubak-lubak o laging binabakbak, barado naman dahil sa illegal parking, mga sasakyang nagsusundo ng mga estudyante, at mga aksidente na madalas bunga naman ng mga pasaway na motorista.


Kaya umaasa tayo na patuloy sa paghahanap ng mga solusyon ang pamahalaan sa lumalalang suliranin sa trapiko.Siyempre, hindi naman kakatawanin mag-isa ng gobyerno, dapat na pagtulung-tulungan ng lahat.


Madaliin pero tiyaking ligtas ang mga transport infrastructure projects at maging disiplinado at responsable ang lahat ng nasa kalsada.Magsilbi sanang hamon sa atin ang pag-aaral at patunayan na kaya nating mag-top sa buong mundo hindi sa malalang trapiko kundi sa ligtas at maginhawang biyahe.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page