Lutang na lutang daw ang talino… VALERIE, KAMUKHA NINA TONI AT HEART, SI KRIS ANG IDOL
- BULGAR

- Jun 6, 2025
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 6, 20255
Photo: Ms. Valerie Tan - 1 Heart PH, IG Story
Si Kris Aquino pala ang peg ng host ng I Heart PH (IHPH) na si Valerie Tan.
Hangang-hanga raw siya sa husay mag-host ni Kris sa kahit na anong show na ibigay sa kanya. Lutang na lutang ang talino at pagiging smart nito at lagi siyang well-informed sa maraming topics na kanyang tinatalakay kaya nagagawa niyang interesting ang bawat show na hinahawakan.
Ang katangiang ito ni Kris ang gustong tularan ni Valerie, kaya pinagbubuti niya ang pagho-host ng IHPH na ngayon ay nasa Season 10 na.
Marami namang viewers ang nagsasabing malaki ang hawig ni Valerie Tan kay Toni Gonzaga na isa ring magaling na TV host, pero may anggulo rin na kamukha niya si Heart Evangelista.
Well, walang kontrata si Valerie Tan sa TV8 Media, pero malaki ang tiwala sa kanya kaya tumagal ang kanilang partnership.
Samantala, para sa Season 10 ng IHPH, espesyal ang kanilang feature in partnership with Hong Kong Tourism Board. Itatampok sa show ang iba’t ibang atraksiyon tulad ng Disneyland, Ocean Park, at maging ang fishing village na hindi napupuntahan ng mga turista.
Game na game si Valerie Tan na gawin ang mga challenges sa kanyang paglilibot sa Hong Kong.
Mapapanood ang I Heart PH tuwing Linggo, 10:30 AM simula sa June 8.
HINDI man pinalad na manalo si Luis Manzano nang kumandidatong vice-governor ng Batangas, tatlong game shows naman ang nakalinya niyang i-host.
Nauna na rito ang Rainbow Rumble (RR) na patok sa mga viewers. Sa kanya rin ibinigay ang pagho-host ng Minute to Win It (MTWI) at Deal or No Deal (DOND) kaya bonggang-bongga ang magiging exposure ni Luis sa telebisyon.
So far, tanggap naman niya na hindi pa panahon upang pasukin niya ang mundo ng pulitika. Naniniwala siyang darating din iyon kung sadyang nakalaan para sa kanya kaya balik na siya sa kanyang kinagisnan bilang game show host dahil ito ang forte niya.
Bentahe kay Luis Manzano ang kanyang exposure sa mga game shows dahil dito siya nakukuhang product endorser, at milyones ang kinikita niya rito.
MARAMING netizens ang nakapansin na pumayat ang ex-husband ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.
Base sa mga larawan nito na naka-post sa social media, bumagsak ang katawan ni Gerald at marahil, dahil na rin sa stress na pinagdaraanan niya ngayon sanhi ng ginawang pagbawi ni Ai Ai sa kanyang petition para sa US citizenship.
Maging sa paghahanap ng trabaho ay malilimitahan din si Gerald, kaya hindi na niya magagawang tumira o magtrabaho sa United States of America (USA). No choice siya kundi bumalik na lang sa ‘Pinas.
Samantala, payapa at naka-move on na rin si Ai Ai at tinanggap na ang pakikipaghiwalay sa dating mister. May bagong show siyang pagkakaabalahan ngayon — ang The Clash (TC) kung saan isa siya sa mga hurado kasama sina Lani Misalucha at Christian Bautista.
Nalilibang din siya sa kanyang pagsu-zumba kaya physically fit siya ngayon.
Naibalita rin ng Comedy Queen na ibinabalik niya ang dating tradisyon kung saan nagsusuot siya ng belo kapag siya ay nagsisimba bilang tanda ng respeto sa simbahan. Marami na ngayon ang hindi na gumagamit ng belo kapag nagsisimba.










Comments