Lumabas din ang totoo… SUPER TEKLA, NOT GUILTY SA MGA PASABOG NI MICHELLE
- BULGAR

- Oct 29, 2020
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 29, 2020

Dahil napatunayan na mismo ng broadcaster na si Raffy Tulfo na nagsisinungaling ang nagrereklamong ka-live-in ni Super Tekla na si Michelle Bana-ag, case closed na raw ang isyu at hindi na tutulungan ni Raffy ang nag-akusa sa comedian-host.
Noong una ay humihingi pa ng financial assistance kay Tulfo si Michelle para pambayad sa kanilang inuupahan at ayudang pangkabuhayan. Pero nang umurong nga si Michelle sa usapan na siya ay magpapa-drug test para patunayang hindi na nga siya nagbibisyo, dito na nawalan ng tiwala si Idol Raffy sa ka-live-in ni Tekla. Sinabihan pa niyang nagsisinungaling si Michelle.
Maliwanag na gawa-gawa lang ni Michelle ang mga ibinibintang niya kay Tekla. Kahit na siniraan at ipinahiya nang husto ni Michelle ang komedyante, mas marami ang kumampi at nakisimpatya kay Super Tekla.
Si Tekla ang underdog at marami ang makakapagpatunay na siya ay isang mabuting tao at walang inaagrabyadong sinuman. Suportado siya ng kanyang mga kaibigan, mga fans at mga kasamahan sa industriya.
In fact, maging ang aktor na si Coco Martin ay naawa at sumusuporta kay Tekla. Nakatrabaho raw niya ang comedian sa pelikulang Tripol Trobol at mabait daw ito.
Sobrang minahal lang ni Tekla ang kanyang ka-live-in kaya nakayang magtiis kahit na inaabuso na siya.
Naniniwala naman ang publiko na kahit na siniraan siya ni Michelle, makakabangong muli ang career ni Super Tekla dahil wala siyang kasalanan at marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Sa ngayon ay sinisikap ni Super Tekla na ayusin ang lahat at muling bumangon matapos ang matinding pagsubok na kanyang pinagdaanan. May agreement na sila ni Michelle tungkol sa kanyang suporta sa anak nilang si Baby Angelo. Kahit masakit ang ginawa ng ka-live-in ay pinatawad na niya ito, pero hindi na sila magsasamang muli.
Ayaw ni Tekla na magkimkim ng galit sa kanyang puso. At nagpapasalamat siya sa lahat-lahat ng tumulong at dumamay sa kanya at hindi siya hinusgahan at iniwan.





Comments