top of page
Search
BULGAR

LUIS, DAMAY SA GALIT NG NETIZENS KAY CARLOS

ni Beth Gelena @Bulgary | September 10, 2024



Showbiz News

Niresbakan ni Luis Manzano ang mga bashers na nagkomento sa episode ng show niya kung saan guest si Carlo Yulo.


“Lucky, pumili ka naman interview na walang mapulot na aral d’yan,” komento ng isang netizen.  


“Available po kayo?” ang sagot ni Luis.  


“Nakakasuka na Lucky na makita si Caloy, pasensiya na, itong vlog mo kay Caloy ay poor, walang sense, kasi hindi dapat i-promote ang mga tao na salbahe sa magulang pero pakitang-gilas sa pamilya ng GF. Nakakasuka ka, Caloy, para kang ipis sa tingin ko sa ‘yo.

Nawala ‘yung paghanga ko sa ‘yo sa galing mo sa gymnastics. Bastos na anak ka, Caloy. Ang tao na hindi lumingon sa pinagmulan ay sa basurahan ang pupuntahan,” ang mahabang komento ng isang netizen.


“Baka buntis lang po kayo?” reply naman ni Luis.


“Sapul ni Luis, pero ang tanong, may lesson bang na-absorb kay Caloy? Palagi n’yang sinasabi, ‘di pa nag-sink in panalo n’ya sa utak. Hahaha! Pero s’ya, unti-unti nag-sink ang respeto ng taong bayan,” sey ng isa pang netizen. 


“Mukhang ‘di n’yo po pinanood nang buo, ha, kaya ganyan comment n’yo,” sagot ng TV host.

'Kaloka! Ang isang Pinoy na nagdala ng karangalan sa 'Pinas, kung ituring ng kanyang kababayan ay ipis lang at isinusuka pa ngayon? 


Grabe, ha?


 

Parehong rumampa sa New York Fashion Week (NYFW) sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Isa si Kyline sa mga nagsuot ng gawang disenyo ni Chris Nick mula sa Spring Summer 2024/2025 collection, na ipinakita ang kanyang fierce energy at unmatched style.


Kaso, pinuna ng ilang netizens ang paglalakad ni Kyline sa runway.


“She looks so trying hard to look taller but does not accomplish the purpose because she still looks short. Might as well wear high heels that complement the outfit but do not distract,” komento ng isa. 


Sey naman ng iba, “Ano’ng nangyari sa basketball career ni Kobe?” 


“Walang nangyari sa NBA dream n’ya kuno.” 


“May mga business din s’ya. May problema ba, 'teh?”


May nang-iintriga namang kaya napasama sina Kyline sa NYFW dahil baka raw tropa 'yung designer.  


Sey ng mga "negatizens":


“Obviously, the girl is not a fashion/ramp model material.”


“Hahahaha! Maawa kayo kay Kyline, hirap na hirap maglakad, tapos inihanay pa talaga sa mga modelo. Sana, nanood na lang s’ya sa jowa n’ya.”


“‘Di okey ‘yung lakad ni Kyline, even her posture, pero dahil first time n’ya, okey na rin.” 


“She’s ‘owning’ the runway raw, sabi ng Kapuso.”


“Mga hilaw pa sa pagrampa ang dalawang ito, ‘di bagay.”


Sa mga nakapanood ng rampa nina Kobe Paras at Kyline Alcantara, ano’ng sey n'yo?

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page