LTFRB: Wala munang dagdag-pasahe sa mga jeep
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
by Info @ News | December 6, 2025

Photo File: Jeepney
Hindi muna ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 hanggang P2 taas-pasahe sa mga traditional at modern jeepney.
Resulta ito ng big-time rollback sa presyo ng diesel noong nakaraang araw.
Ayon kay Transportation Sec. Giovanni Lopez, hindi napapanahon sa ngayon ang pagtaas sa pamasahe, “Malaki ang magiging epekto ng taas pasahe sa ekonomiya at sa pangkalahatan, lalo na’t bumabangon pa lang ang ilang probinsyang nasalanta mula sa matinding kalamidad tulad ng nakaraang lindol at bagyo.”
Bukod dito, pagtitibayin din ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang kampanya laban sa kolorum.
“Hahabulin at huhulihin natin ang mga sangkot sa ilegal na operasyong ito. Hindi titigil ang DOTr at LTFRB sa pagtugis sa inyo dahil kapakanan ng mga lehitimong PUV drivers, at maging mga commuter ang nakasalalay dito,” ani Lopez.








Comments