LTFRB sa sasali sa tigil-pasada: P5K multa, bawi-prangkisa

ni BRT @News | September 28, 2026

Photo: File
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaaring mapatawan ng penalty ang mga transport operator na sadyang hindi bumiyahe sa kanilang ruta para makilahok sa tigil-pasada.
Ayon sa LTFRB, kailangang may sapat na ebidensya na sinadyang ihinto ng operator ang serbisyo. Para sa fleet operators, maaaring ituring na abandonment kung mas mababa sa 60% ng kanilang mga sasakyan ang bumiyahe.
Maaaring magsimula sa P5,000 ang multa sa unang paglabag at humantong sa suspension o cancellation ng prangkisa.





Comments