top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

LTFRB, proud na 250k tsuper ng lumang jeep ang mawawalan ng hanapbuhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 26, 2023


NOON, ANG TAPANG NI DUTERTE, SASAMPALIN NIYA RAW ANG ICC JUDGES AND PROSECUTORS, NGAYON, 'BAHAG NA BUNTOT' – Kung inaakala nina former President, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Sen. Robin Padilla na nakabuti kay ex-P-Duterte ang mga inihain nilang resolusyon para ipagtanggol ang dating pangulo sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC), nagkakamali sila.


Lumalabas kasing katawa-tawa ngayon si ex-P-Duterte sa mata ng sambayanang Pinoy at buong mundo dahil noong nasa posisyon siya ay tapang-tapangan siya at sasampal-sampalin daw niya ang ICC judges at prosecutors. Pero ngayong wala na siya sa Malacañang, nagmistulang asong nabahag ang buntot at nagpapasaklolo sa Kongreso at Senado para ipagtanggol siya sa ICC. Boom!

◘◘◘


ANG LUPIT NG LTFRB, NAGAWA PANG IBIDA NA TATANGGALAN NILA NG HANAPBUHAY ANG TRADITIONAL JEEPNEY DRIVERS—Inanunsyo ni Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief, Joel Bolano na hanggang Hunyo 30, 2023 na lang puwedeng bumiyahe ang mga tsuper ng mga traditional jeepney dahil papalitan na sila ng mga modern jeep ng mga kapitalistang nagtatag ng mga kooperatiba.


Ang lupit din naman nitong appointee ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na si Bolano kasi mantakin n’yo, nagawa pa nitong ibida sa publiko na tatanggalan na nila ng hanapbuhay ang mga tsuper ng traditional jeepney. Tsk!


◘◘◘


NOON 11K ORDINARY WORKERS NG ABS-CBN ANG TINANGGALAN NG TRABAHO, NGAYON 250K TSUPER NAMAN AALISAN NG HANAPBUHAY—Itong mga taga-LTFRB ay walang pinagkaiba sa asal ng mga pro-Duterte congressmen noon na nag-reject sa prangkisa ng ABS-CBN.


Noon, nagawa pa ng mga pro-Duterte congressmen na magbunyi sa pag-reject nila sa prangkisa ng ABS-CBN, kaya nawalan ng trabaho ang 11,000 ordinary workers nationwide ng Kapamilya network, at ngayon naman ay ibinida ng mga taga-LTFRB na pagsapit ng Hunyo 30, 2023 ay higit 250,000 traditional jeepney drivers nationwide ang aalisan nila ng hanapbuhay. Tsk!


◘◘◘


MALI ANG AKALA NG MGA OPISYAL AT MIYEMBRO NG LTOP, PASANG MASDA AT ACTO NA ‘DI SILA MAWAWALA SA LANSANGAN SA HULYO 1, 2023 DAHIL LAHAT SILA AY JOBLESS NA—Hindi man aminin ay tiyak na sakit-ulo ang inaabot ngayon ng mga opisyal at miyembro ng tatlong malalaking transport group na sumuporta noong nakaraang eleksyon sa BBM-Sara Duterte tandem.


Inasahan kasi nina Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) president Orlando Marquez, Pasang Masda president Obet Martin, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) president Liberty de Luna ang promise ng BBM-Sara tandem noong kampanya na hindi mawawala ang traditional jeepney sa lansangan. Ang problema, nakalimutan nilang mga trapo (traditional politician) ang nagpramis sa kanila, kaya ang pangako ay napako, at ang resulta, pagsapit ng Hulyo 1, 2023, lahat sila ay wala nang hanapbuhay.


Maging aral sana sa lahat ang isyung ito na huwag basta-basta maniwala sa pramis ng mga trapo, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page