Lt. Gen. Carlos, bagong PNP chief – P-Duterte

ni Lolet Abania | November 10, 2021

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Dionardo Carlos bilang susunod na lider ng Philippine National Police (PNP), ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pinirmahan ni Pangulong Duterte ngayong Miyerkules ang appointment ni Carlos na epektibo sa Nobyembre 13.
Si Carlos ang papalit kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 sa Sabado.
“We are confident that Gen. Carlos will continue making the PNP a professional, capable and reform-oriented organization that we envision it to be. We wish Gen. Carlos all the best as the new PNP chief,” ani Roque sa isang statement.
Kasalukuyang nasa top 4 man ng PNP si Carlos, bilang Chief of Directorial Staff.
Siya rin ang dating spokesman ng PNP at nagsilbi bilang head ng kanilang Aviation Security Group. Kalaunan, naglingkod si Carlos bilang director para sa Integrated Police Operations sa Visayas.





Comments