top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LRT-1 Roosevelt station, pansamantalang isasara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 7, 2020




Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRCM) na magsasara mula September 5 hanggang December 28, 2020 ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Roosevelt Station.

Ayon sa LRCM, pansamantalang magsasara ang station na ito para maisagawa ang konstruksiyon ng common terminal para sa LRT-1 at Metro Rail Transit Line 3 at 7 o mas kilala sa “Unified Grabd Central Station”.

Sinabi naman ni LRMC Chief Operating Officer Enrico Benipayo na tuloy pa rin ang operasyon ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Balintawak.

Planong maglagay ng LRT-1 na maglagay ng shuttle para sa mga pasahero, ngunit, hindi pa ito matutuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagsasailaim ng Metro Manila sa general community quarantine, pinayagang magsakay ang LRT-1 ng 158 psahero kada biyahe o 12% lamang ng kapasidad ng tren.

Sinabi naman ni Railway Undersecretary Timothy John Batan na inaasahan ng department na matapos ito sa unang quarter ng 2021. Magkakaroon umano ito ng 3 area- Area A (facing EDSA, LRT-1), Area B (linking Areas A and C),l at Area C (MRT7 platform).

Simula itong itinayo noong 2017 at na-delay ng halos 10taon dahil hindi makakuha ng lokasyon sa nasabing terminal. Inaasahan na 500,000 pasahero ang kayang i-accomodate nito araw-araw at mas pinadaling paglipat ng railway line.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page