LPA, namataan sa Eastern Samar
- BULGAR
- Jul 16, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 16, 2022

Isang low pressure area (LPA) at ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang magdudulot ng mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA ngayong Sabado.
Batay sa 4PM weather forecast ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 695 kilometro east ng Guiuan, Eastern Samar ng alas-3:00 ng hapon.
Makararanas ang Davao Region at Soccsksargen ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA at ITCZ na posibleng magdulot ng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman hanggang sa paminsang malalakas na pagbuhos ng ulan.
Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may panaka-nakang mga pagbuhos ng ulan at thunderstorms, na may posibleng flash floods o landslides sa severe thunderstorms.
Patuloy naman ang PAGASA sa pag-monitor sa lagay ng panahon sa bansa.





Comments