ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | May 6, 2024
Bumalik na si Lovi Poe sa Pilipinas para mag-shoot ng mga eksena, para sa kanyang upcoming movie na “Guilty Pleasure” under Regal Entertainment.
“We’re in the middle of filming “Guilty Pleasure.” Everything is looking good.
Napakahusay ng direktor namin na si Direk Connie Macatuno at saka ‘yung mga co-actors ko. Unbelievably good,” sey ni Lovi.
Todo-puri naman siya sa kanyang mga co-stars, “Si JM de Guzman, sobrang grabe umarte, ‘yung mata n'ya. Pumasok lang s'ya sa room, talagang his eyes speak. Si Jameson (Blake) naman, he sweeps me off my feet when I do scenes with him. It’s really such a nice experience,” aniya.
“At least nakatapos na ako ng ilang films abroad. And now nagpo-focus naman ako sa mga ginagawa ko sa Manila,” sey niya sa media.
Kaya ipinagtataka ng ilang fans kung bakit panay din ang tanggap ni Lovi ng pelikula.
Ano nga kaya'ng totoong dahilan ng pag-alis ni Lovi sa Batang Quiapo? Hindi kaya na-insecure lang siya sa pagpasok noon ni Ivana Alawi na isa pang leading lady ni Coco Martin?