Lover ni misis, niratrat ni mister

by Jeff Tumbado @News | November 8, 2026

Photo: File
Patay ang isang 37-anyos na e-bike driver matapos umanong pagbabarilin ng mister ng babaeng kanya umanong karelasyon sa Brgy. Sawang Calero, Cebu City, noong Nobyembre 5.
Kinilala ang biktima sa alyas Paolo, habang naaresto naman ang suspek na si alyas Jojo, 35.
Ayon sa Cebu City Police, naganap ang pamamaril alas-9:15 ng gabi sa Tupaz Street. Natagpuan ang biktimang nakayuko sa kanyang e-bike at may mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Isinugod pa siya sa Cebu City Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sa follow-up operation, naaresto ang suspek at nakumpiska ang isang hinihinalang hindi rehistradong 9mm revolver.
Inamin umano ni “Jojo” ang pamamaril dahil sa matinding selos at mga pagbabanta umano ng biktima dahil sa umano'y relasyon nito sa kanyang asawa.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder at illegal possession of firearms.





Comments