LOVELY, NAKA-2 ANAK NA, 'DI PA RIN MARUNONG MAGPADEDE
- BULGAR
- Sep 18, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 18, 2023

Ipinanganak na ni Lovely Abella-Manalo ang panganay nila ng aktor na si Benj Manalo, base sa ipinost niyang larawan ng anak sa kanyang Instagram account kahapon nang tanghali.
Marahil ay normal delivery lang si Lovely dahil nakatayo na siya kaagad at sa kanyang post ay ikinuwento niya ang hirap na dinanas niya habang buntis.
Sabi nito sa caption sa IG stories na karga nito ang anak, “God’s perfect gift.”
May post din ito ng larawang nagpapa-breastfeed siya na bandang itaas lang ang natatakpan at sa gilid ay kitang naka-undies lang si Lovely.
Ang caption niya: “'Di ka man lang nagpaganda!!
“Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda. Ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko ng mga oras na ‘to. Wala akong kinapitan kundi ang faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan, ang pagmamahal sa 'kin ng asawa ko @benj, pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo (emoji praying hands).
“Binigla kami ng pagkakataon, 'di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na ‘to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang na naghangad ng masama para sa anak (emoji heart).
“Sa darating na Sabado, ilalabas po namin ang vlog namin kung gaano kahirap ang dinanas namin, pero in God's Grace, napakaganda ng reward niya sa amin. Mapapanood n'yo po sa Benly the pangga stories. Salamat po sa lahat."
Dagdag pa ng dancer-actress, “Itutuloy ko lang po ang pagpapa-breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon, hirap pa rin ako mag-produce ng milk. Pag-aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng anak ko.
“At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa lahat ng doctor namin ni Liam. 'Di ko na po kayo iisa-isahin, sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord (emojis praying hands and heart).”
Isa ang Kapuso actress at creative consultant na si Chynna Ortaleza sa mga bumati kay Lovely.
“Ganda mo! Congratulations! @lovelyabella_”
Sinundan ni @krisbernal na nanay na rin dahil nanganak siya noong Agosto 15 sa panganay nila ng asawang si Perry Choi, “Let's normalize unfiltered births and postpartum. This is so authentic!! One thing about you that I really admire! Congrats and enjoy every moment!!”
Isa pang Kapuso actress ang bumati, si @carlaangeline, “Congratulations, Lovely!!!! Superwoman!”
Sabi naman ng TV host-actress na si @iyavillania, “Waaaah, so glad you had a safe delivery.”
At si @shairadiaz_, “Yeyyy!! Congratulations ga!!!”




Comments