top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Love The Philippines, love the other countries

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 4, 2023



‘LOVE THE PHILIPPINES’ VIDEO PANG-UUNGGOY SA PINOY AT MGA DAYUHANG TURISTA -- Sabi ni Sec. Christina Frasco ng Dept. of Tourism (DOT) ay pinag-isipan daw nila nang husto ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang slogan na "Love the Philippines" bilang panghikayat sa mga turista sa Pilipinas.


Pinag-isipang ano? Ang ungguyin ang mga Pinoy at mga dayuhang turista sa ‘Pinas?


Kaya natin nasabing pang-uunggoy kasi ang ilang bahagi pala ng video na isinapubliko at ikinalat sa social media para sa slogan na "Love the Philippines" ay mga kuha sa mga magagandang lugar sa Thailand, Indonesia, Dubai at Switzerland, buset!


◘◘◘


DAHIL NABUKAYO NA KUHA SA IBANG BANSA ANG VIDEO, DAPAT GANITO NA ANG MAGING SLOGAN ‘LOVE THE PHILIPPINES, LOVE THE OTHER COUNTRIES’ -- Nang ianunsyo nina P-BBM at Sec. Frasco ang "Love the Philippines" slogan ay hindi ito nagustuhan ng majority Pinoys kasi hindi naman daw panturista ang tema nito, kaya’t nanawagan ang mamamayan sa gobyerno na palitan ito o kaya ay panatilihin na lang ang dating slogan na “It’s More Fun in the Philippines,” kaya lang pinanindigan na ng Presidente at tourism secretary ang slogan na "Love the Philippines".


At dahil nga pinanindigan na ang slogang ito, at dahil kuha sa ibang bansa ang ipinakitang video, eh, dagdagan na lang nina P-BBM at Sec. Frasco ang slogang “Love the Philippines,” at gawin itong “Love the Philippines, Love the other countries,” boom!


◘◘◘


KAYA PALA UNTOUCHABLE KASI MAY MGA SCALAWAG NA PARAK ANG PROTEKTOR NG ‘PAIHI GANG’ NI 'RICO' SA BATANGAS -- Ilang scalawag na pulis daw ang nagbibigay proteksyon sa “Paihi Gang” ni “Rico” na ang raket ay magnakaw ng mga produktong petrolyo sa mga hinaharang nilang mga oil tanker sa national highway ng Bgy. Balagtas, Batangas City.


‘Yan ang dahilan, may mga scalawag na protektor ang “Paihi Gang” ni “Rico” kaya 'untouchable' at walang nanghuhuli sa kanila kahit pa napakadelikado sa mga motorista ang ginagawa nilang pagnanakaw sa mga oil tanker sa nabanggit na lugar, buset!


◘◘◘


KAPAG 1 KILONG BUTO-BUTO ANG NINAKAW ANG BAGSAK SA SELDA, PERO KAPAG MILYUN-MILYONG PISO NINAKAW, NAPUPUNTA SA KAMARA O SENADO O KAYA SA MALACAÑANG -- Isang janitor sa Cebu City na nagnakaw ng isang kilong buto-buto ng karne ng baboy na nagkakahalaga ng P116 ang inaresto ng mga awtoridad at ikinulong.


Malas niya kasi janitor siya at hindi traditional politician (trapo), kasi kung naging trapo siya, kahit milyun-milyong piso ang kanyang nakawin sa kaban ng bayan, sa pagiging kongresista sa Kamara o senador sa Senado ang bagsak niya, at kapag mas sinuwerte pa sa Malacañang na titira bilang presidente ng ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page