top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Love pa rin daw ng padir ng anak… POKWANG KAY LEE: USER! TAMA NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
3 min read

ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | May 13, 2023



Marco Gumabao at Cristine IG

Mabilis na sinopla ni Pokwang ang naging pahayag ng ex-partner niyang si Lee O'Brian sa tanong kung mahal pa ba niya ang komedyana.


Ang kabuuan ng sagot ni Lee, "All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child into this world. And that's my story. That's all I can say."


Ito ang unang beses na nagsalita si Lee tungkol sa dating partner na si Pokwang na ina rin ng kanyang anak na si Malia.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matapos ang hindi magandang hiwalayan ng dalawa ay wala nang tigil sa pagpaparinig sa kanyang social media ang komedyana laban sa dating karelasyon.


At umabot pa nga ito sa pagkonsulta ni Pokwang sa abogado para papalitan ang apelyido ng kanilang anak na si Malia at isunod na ito sa kanya.


Matatandaan ding gusto na raw ibenta ng komedyana ang rest house na tinirhan niya kasama ang ex-partner na si Lee, dahil marami raw bad memories doon.


Ipinost ng PEP.ph sa kanilang Instagram ang naturang pahayag ni Lee at agad na nagkomento ru'n si Pokwang.


Ang mataray na komento ng komedyana, "The design is very plastic and narcissistic. Hahahaha!


Pagmumukhain pa akong masama. USER! TAMA NA, HOY! [laughing emoji]."


Talagang hindi nagpapigil si Pokwang sa pagtawag na "user" sa dating karelasyon, tulad din sa mga dating posts nito.


Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang nasabing comment ni Pokwang tungkol sa ex-partner, kaya't sinagot din nila ang komedyana.


Hirit ng isang netizen, "Walang manggagamit kung walang magpapagamit. Move on na. Sa dami ng sinabi mo against him, 'di pa ba sapat lahat ng 'yun?"


Ang banat pabalik ng komedyana, "Wait, there's more... at abangan mo. Hahahaha!"


Sey naman ng isa pang commenter, wala namang negative sa naging pahayag ni Lee tungkol sa dating karelasyon na si Pokwang.


Sagot dito ni Pokwang, "Maganda po ang bio mo. Pakisabi 'yan kay Kano. Hahahaha! Bagay na bagay sa kanya ang bio mo."


Ang tila nalulungkot namang comment ng isa pang netizen, "Awww! I really wish they set aside their differences for their child. Pokwang, your ex might have hurt you but I'm sure his love for your child is there."


Ang mabilis na pagtutol ng komedyana, "Hindi rin. Hahahaha! 'Wag na! Masaya kami nang wala


'yan. Susme!"

Ayon naman sa isang netizen, ang gentleman daw ng kilos ni Lee at makikita sa naging sagot nito at sa mga patama ni Pokwang laban dito kung sino ang may pinag-aralan sa wala.


"He is such a gentleman. He thinks about her daughter as Malia may read these news someday.


You don't say bad things about the father of your child in public. Makikita mo ang may pinag-aralan at sa wala. Peace!"


Ang nanggagalaiting buwelta naman ni Pokwang, "So, may problema ka sa mga walang pinag-aralan dahil walang kakayahan? Napakataas mo, inday! 'Wag ganu'n, nakakahiya ka!


Sipsip sa banyaga!"


May suggestion pa ang isang netizen, "Bigyan mo pa ng isang chance, Miss Pokie! Love is lovelier the second time around."


Ang isinagot naman ni Pokwang, "Nope! Enough na pagpapakain. Hahahaha! Sarili ko naman at mga anak ko this time."


Anyway, kung kami ang tatanungin, wala naman talagang masama sa naging statement ni Lee tungkol kay Pokwang dahil puno pa rin ito ng respeto.


Pero, 'di naman natin mapipigilan si Pokwang sa kung ano'ng gusto niyang sabihin at i-post sa social media dahil hindi rin naman natin alam ang mga pinagdaanan niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page