top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lotto outlet na nasisinagan ng araw, dapat tayaan para sure na maka-jackpot

BULGAR
Dec 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 14, 2022

Dear Maestro,


Noong unang taon ang mister ko sa Dubai ay okey naman ang padala niyang pera, pero ngayon ay biglang lumiit at bukod sa maliit ay iregular pa siya kung magpadala. Minsan, sa isang buwan ay wala at minsan naman ay meron, kaya napilitan akong mangutang at ngayon ay baon ako sa utang, pero hindi pa rin regular ang padala ng mister ko.


Gusto kong malaman kung may ibang babae ba ang mister ko sa Dubai at makakabayad pa ba kami ng utang sa kung kani-kaninong tao at lending institutions?

Panghuli, ano ang magandang numero na magpapatama sa akin sa lotto, gayundin, saan at kailan ako dapat tumaya? May 23, 1989 ang birthday ko.


Umaasa,

Elaisa Tungkong Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan


Dear Elaisa,


Ang birthday mong May 23, 1989 ay nagsasabing kung ikaw ay mag-a-apply sa abroad, tiyak na makapangingibang-bansa ka at higit na aasenso sa ibayong-dagat kung ikukumpara sa mister mong bihira na kung magpadala. Bukod sa 7, 16, 23 at 38, mapalad ka rin sa mga numerong 10, 29, at 41.


Ayon sa Numero-Compatibility, huwag mo nang intindihin kung may ibang babae o wala ang mister mo sa ibang bansa dahil kung aasahan mo ang ipapadala niyang pera sa inyo — na ngayon ay madalang pa sa patak ng ulan — kumbaga, hindi ka gagawa ng sarili mong paraan, bukod sa mababaon lang kayo nang husto sa mga utang, lalo ka lang maghihirap at mamumroblema. Tulad ng nasabi na, subukan mong mag-apply sa abroad, sapagkat sa ganyang paraan ka uunlad at higit na magiging maligaya.


Upang makatikim ng malaking panalo sa lotto, maghanap ka ng lotto outlet na ang pintuan o main door ay nasisinagan ng masaganang init ng araw sa unang oras ng umaga. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga sa taong 2024 hanggang 2025 at sa edad mong 35 pataas.


Habang, kung mag-a-apply ka naman sa abroad sa susunod na taong 2023, tiyak ang magaganap sa naturang taon, sa buwan ng Hunyo o Agosto at sa edad mong 34 pataas dahil may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page