top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lotto outlet na nakapwesto sa ilalim ng antigong bahay, dapat tayaan para sure ang jackpot

  • BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | December 22, 2022

Dear Maestro,


Ako ay tubong Sorsogon at ngayon ay namamasukan akong katiwala at boy sa isang babuyan sa Bulacan, pero hindi pa rin sapat ang kinikita ko, kaya palaging kapos ang perang naipapadala ko sa aking mga magulang sa probinsya.


Sana ay mabigyan mo ako ng mga numero na dapat kong tayaan sa lotto nang sa gayun ay makatulong ako sa aming pamilya na naghihirap ngayon sa Bicol. January 8, 1997 ang birthday ko.


Umaasa,

George ng Manatal, Pandi, Bulacan



Dear George,


Upang umunlad at makaahon sa kahirapan, hindi pagtaya sa lotto ang kailangan kundi ang pag-aasawa. Kapag nakapag-asawa ka ng babaeng isinilang sa petsang 5, 14, at 23, tiyak ang magaganap, kusa kayong yayaman at uunlad sa pamamagitan ng pagnenegosyo at ito ay tinatayang mangyayari sa taong 2038 at sa edad mong 41 pataas.


Gayunman, paminsan-minsan, hindi isang bisyo kundi libangan o dibersyon lang, bukod sa numerong may sumatotal na 1, tulad ng 10, 19, 28, 37, at 46, at mga numerong may sumatotal na 7, tulad ng 16, 25, 34, at 43, at iba pang kauri nito ay magandang subukan sa anumang number games o mga pakikipagsapalaran.


Bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa numerong may sumatotal na 5, tulad ng 5, 14, 23, 32, at 41. Maaari mo ring subukan ang 1, 17, 25, 34, 43, at 44 gayundin ang 7, 10, 16, 28, 35, at 41.


Upang makasapol ng malaking halaga, maghanap ka ng lotto outlet na nakapuwesto sa ilalim ng antigo o lumang bahay, ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga sa taong 2028, at sa edad mong 31 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page