Lotto outlet na may seksing kahera, magpapatama sa bebot na baon sa utang
- BULGAR
- Dec 17, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 17, 2023
Dear Maestro,
Marami kaming pagkakautang ngayon at sandamakmak din ang mga naniningil.
opTanging pagtataya na lang sa lotto ang inaasahan namin upang makaahon sa kahirapan at minsan ay nakatatanggap din kami ng tulong mula sa malalayo naming kamag-anak. Sa ngayon ay nabubuhay pa rin kami sa utang kaya hirap na hirap kami.
Kaya sana ay magbigyan n’yo rin ako ng suwerteng kulay, numero at petsa kung kailan dapat tumaya upang masapol ko ang jackpot.
Ang birthday ko ay October 9, 1976.
Umaasa,
Shellie ng Daanghari, Navotas City
Dear Shellie,
Ayon sa zodiac sign mong Libra, birth date na 9 at destiny number na 6 (10+9+1976=1995/ 19+95=114/ 11+4=15/1+5=6), ikaw ay tunay na mapalad tuwing sasapit ang araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, higit lalo kung ang nasabing mga araw ay natapat sa petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27. Sa panahong nabanggit, lalo na sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, magsuot ka ng kulay pula. Sa ganyang paraan, mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay.
Bukod sa nasabing mga petsa at araw sa itaas, ikaw din ay mapalad sa numerong may sumatotal na 5, 8 at 6, tulad ng 14, 23, 32, 41, 17, 26, 35, 44, 15, 24, 33, 42 at iba pang mga kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 5, 16, 28, 24, 34 at 41, gayundin ang 7, 19, 23, 27, 33 at 44.
Habang ang batong opal na ipinalamuti sa silver o batong opal na ipinalamuti sa gintong singsing ay magsisilbing talisman na pantaboy ng kamalasan at panghigop na rin ng magandang kapalaran.
Para masiguro ang malaking panalo sa anumang uri ng number games, maghanap ka ng lotto outlet na ang kulay ng bubong at dingding ay pula at may teller o kahera na may mahabang buhok at sexy ang pangangatawan.
Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga bago matapos ang taong ito ng 2024 sa edad mong 48 pataas.




Comments