top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lotto outlet na malapit sa simbahan, magpapatama sa bebot na gustong yumaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 27, 2021



Dear Maestro,

Nais kong isangguni sa inyo ang aking problema hinggil sa pag-ibig kung saan tatlo na ang nagiging boyfriend ko na mga tapos ng pag-aaral, may magagandang career at may sinasabi sa buhay, kaya lang, iisa ang naging kapalaran ko sa buhay nila— ayaw sa akin ng kanilang mga magulang dahil mahirap lang kami at hindi ako nakatapos ng high school.

Kaya kadalasan ay minamaliit at nilalait ako ng mga magulang ng nagiging boyfriend ko, kaya ngayon, gusto kong tumama sa lotto upang muli akong makapag-aral at hindi na ako lait-laitin pa ng mga kamag-anak at magulang ng mga nagiging boyfriend ko.

May pag-asa bang tumama ako sa lotto? Gayundin, saang lotto outlet at ano’ng numero ang dapat kong tayaan? December 4, 1993 ang birthday ko. At sino ang susunod na magiging boyfriend ko at kailan ako makapag-aasawa na hindi na sana ako mamaliitin at lait-laitin pa ng pamilya nila?

Umaasa, Cherish ng San Juan, Taytay, Rizal


Dear Cherish, Ayon sa birthday mong 4 sa destiny number mong 2 (12+4+1993=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2) at sa zodiac sign mong Sagittarius, isang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo na may birth date na 7, 16 o 25 ang magiging boyfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa sa susunod na taong 2022 sa edad mong 28 pataas.


Ang nasabing lalaki ay ka-level din ng social status mo sa kasalukuyan, kaya hindi ka na lalaitin at mamaliitin pa ng kanyang mga magulang. Ang nasabing relasyon na inyong bubuuin ay may pangako ng panghabambuhay at maligayang pagmamahalan.


Samantala, upang makasapol ng malaking halaga sa lotto o anumang uri ng pakikipagsapalaran, humanap ka ng lotto outlet na malapit sa simbahan, kapilya o anumang bahay dalanginan dahil ang lotto outlet na ito ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Gayunman, Cherish, dapat mong ma-realize na sa totoo lang, hindi mo naman kailangang yumaman o makapag-aral upang lumigaya sa pag-ibig at magkaroon ng masayang pamilya. Sa halip, kusang darating sa iyo ang nabanggit na kapalaran, basta ang napangasawa mong lalaki ay nagtataglay ng zodiac sign na Taurus o Gemini na binanggit na ang birth date sa itaas.


Sa piling ng lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanaga na, dahil katugma at ka-compatible mo siya, may pangako na hindi lang isang maligaya at panghabambuhay na samahan, bagkus, may pangako rin at katuparan ng isang maligaya at masaganang pagpapamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page