top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lotto outlet na magpapanalo ng jackpot sa lalaking taong siete

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | April 26, 2023

Dear Maestro,


May girlfriend ako, at tawagin na lang natin siyang ‘Wella’. Nais ko lang malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko at kung compatible kaming dalawa.


Kung sakaling kami ang magkatuluyan, magiging maligaya ba ang aming bubuuing relasyon at pamilya?


Maestro, gusto kong humingi ng masuwerteng numero, madalas din akong tumataya sa lotto.


November 17, 1998 ang birthday niya at July 7, 1996 ang birthday ko.


Umaasa,

Charlon ng Bantog, Asingan, Pangasinan

Dear Charlon,


Ayon sa zodiac sign mong Cancer, compatible kayo ni Wella na girlfriend mo, na isinilang sa zodiac sign na Scorpio, sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang tinataglay na elemento – ang elementong water o tubig.


Habang ang birth date na 17 o 8 ni Wella (ang 17 ay 1+7=8) na isang strong number ay nagkataong tugmang-tugma rin sa weak number mong 7. Ibig sabihin, tugma talaga kayo sa pag-aanalisang Numerology at Astrology, kaya nangangahulugang darating ang panahon at malaki ang posibilidad na kayo na ang magkatuluyan.


Samantala, bukod sa numero mong 7 at birth date na 17 o 8 ng girlfriend mo, mapalad din kayo sa mga numerong may sumatotal na 2, 7, at 8, tulad ng 11, 20, 29, 38, 16, 25, 34, 43, 17, 26, 35, at 44. Puwede niyo ring subukan ang mga numerong 1, 18, 23, 27, 34, at 40, gayundin ang 6, 17, 22, 31, 38, at 42.


Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng number games, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mineral water o anumang produktong likido. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa inyo ng jackpot.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, sadyang mapalad kayong dalawa mula sa ika-19 ng Enero hanggang ika-28 ng Pebrero, mula ika-19 ng Hunyo hanggang ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Setyembre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre.


Mapalad ang kulay na berde sa araw ng Lunes, pula sa araw ng Biyernes at dilaw sa araw ng Sabado at Linggo.


Magsisilbing anting-anting ang lahat ng uri bato na nakukuha sa ilalim ng tubig o dagat tulad ng coral, perlas at iba pang kauri nito, at lahat ng bato o alahas na kulay puti at berde.


Samantala, dahil compatible kayo ng girlfriend mo sa pag-aanalisang Astro-Numerology, humigit-kumulang, kayo ang magkakatuluyan, na hahantong sa maligaya, matagumpay at panghabambuhay na tinatayang mangyayari sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 28 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page