top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lotto outlet na gawa at napaliligiran ng salamin, suwerte sa mister na baon sa utang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 2, 2021



Dear Maestro,


Kailan lang, maunlad na maunlad ang buhay namin. Noong kagagaling ko lang sa abroad, maluwag ang buhay namin, pero dahil mula noon ay hindi na ako nakapag-hanapbuhay pa at naubos nang naubos ang lahat ng ipon at naipundar namin. ‘Yung bahay at lupa na nabili ko ay malapit nang mailit ng bangko.


Sa ngayon, may edad na ako, at maraming sakit na nararamdaman sa katawan, kaya hindi na ako puwedeng mag-abroad. Tanging pagtaya-taya na lang sa lotto ang inaasahan kong mag-aahon sa kahirapan ng aking pamilya. Kaya sana, Maestro, mabigyan n’yo ako ng suwerteng numero na dapat tayaan sa lotto upang maka-jackpot naman ako. February 4, 1965 ang birthday ko.


Umaasa,

Mario ng Maburak, Gapan, Nueva Ecija


Dear Mario,


Ang birthday mong 4 sa zodiac sign na Aquarius ay nagtataglay ng planetang Uranus-Pluto. Ibig sabihin, ito rin ang tunay na larawan ng kapalarang nagaganap sa iyo sa kasalukuyan, kung saan matapos suwertehin at umunlad nang umunlad ang kabuhayan, nakatakda nang ulusin ka at daganan ng katakut-takot na mga problema at pagsubok.


Ngunit may katapusan din naman ito dahil sa bandang huli, mala-himala na biglang ka muling susuwertehin sa buhay. Gayundin, mala-dramatiko kang makakaahon hanggang sa magkaroon muli ng maalwan at maligayang pamumuhay. Basta ang mahalaga sa kasalukuyan ay ‘wag ka lang bibitaw o susuko sa bawat hamon ng kapalaran na dumarating sa inyo, ‘ika nga, manatili kang matatag at matibay.


Samantala, bukod sa sarili mong numerong 1, 4, 13, 28 at 34, mapalad din ang 11 at 16.


Ayon sa Numero-Compatibility, isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra o Gemini ang makatutulong sa iyong mga problemang pampinansiyal upang maabsuwelto ka sa iyong mga pagkakautang, na darating bago matapos ang taong ito ng 2021.


Upang masapol ang malaking halaga ng salapi na mapapanalunan sa lotto, maghanap ka ng lotto outlet na napaliligiran ng mga salamin o lotto outlet na 100% na yari sa salamin. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga sa taon ding ito ng 2021 hanggang 2022 sa edad mong 56 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page