top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lotto outlet at kumbinasyon ng mga numero na magpapatama sa misis na atat yumaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Pebrero 8, 2023

Dear Maestro,


Tungkol sa pag-ibig at pamilya ang problema ko ngayon dahil iniwan ako ng mister ko at sumama siya sa mas batang babae. Gusto kong malaman kung babalik pa ba siya sa amin?

Ang malungkot kasi nito, ako na lang ang nag-aaruga at bumubuhay sa aming mga anak na maliliit pa ngayon. Kaya ang isa pang hiling ko sa inyo, Maestro, sana ay mabigyan n’yo ako ng mapalad na numero upang maitaguyod ko ang aking mga anak at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.


Ang pinakamahalaga kong tanong, may pag-asa pa ba akong makapag-asawa ulit at habambuhay na lumigaya sa piling ng lalaking magmamahal sa akin kahit may mga anak na ako? December 17, 1982 ang birthday ko.

Umaasa,

Sagittarius Girl ng Marikit, Palanan, Isabela


Dear Sagittarius Girl,


Dahil 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ang birth date mo, sa zodiac sign na Sagittarius, tiyak na pagkatapos ng mga paghihirap at tiisin mo ngayon, ikaw ay tiyak na yayaman. Sadyang ganyan ang buhay na idinesenyo ng kapalaran sa mga taong tulad mo na Taong Otso na (8) at may ruling planet na Saturn.


Tunay ngang idinisenyo na sa inyong kapalaran ang mabibigat na pagsubok na inyong daraanan, pero sa sandali namang ikaw ay nakalusot sa nasabing mga balakid at matitinding suliranin ng buhay, sa huli, ikaw ay nakatakdang magtagumpay, umunlad at yumaman nang sobra.


Likas ka namang mapalad mula sa ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-25 ng Disyembre, mula sa ika-19 ng Marso hanggang sa ika-25 ng Abril at mula sa ika-19 ng Hulyo hanggang sa ika-25 ng Agosto, higit lalo sa mga araw ng Lunes, Biyernes, Sabado, at Linggo, sa mga kulay na berde, dilaw at pula.


Habang bukod sa sarili mong numero na 8, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 5, 7 at 4, tulad ng 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43, 4, 13, 22, 31, 40, 49, at iba pang kauri nito.


Puwede mo ring subukan ang 1, 18, 23, 28, 32, at 42, gayundin ang 6, 12, 26, 32, 39 at 40.


Habang maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa grupo ng mga numero na 6708/ 5635/ 2231/ 1343.


Upang matiyak ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na kumbinasyon ng kulay itim at pula ang bintana at rehas dahil ito ang magpapatama sa iyo ng jackpot sa taong 2026 bago sumapit ang edad mong 44 pataas.


Hinggil naman sa iyong tanong kung muli ka bang makakapag-asawa matapos sumama sa ibang babae ang iyong mister, tiyak ang sagot — ayon sa zodiac sign mong Sagittarius, ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, ganundin silang mga isinilang sa buwan ng Mayo, higit lalo silang may mga birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 at 29.


Kung nagbabalak kang mag-asawa ulit, ang nasabing mga lalaki ang hanapin mo upang matiyak ang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Habang, ang muling pag-aasawa namang nabanggit, ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang maganap sa taong 2024 at sa edad mong 42 pataas, hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aries.

2 Comments


falexaesnero
Feb 08, 2023

Pwede po malaman ang swerteng number ko? November 25,1975 my birthday.thank you

Like

marilynbadillo30
Feb 08, 2023

Sana mabigyan nyo aq..Ng magandang Numero August 14 1984 aq.. Ng manalo aq..sa lotto😊

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page