top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Long distance bf, bebot ‘di dapat mag-worried dahil kasal, surebol na tuloy

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 9, 2023



Dear Maestro,


Gusto kong malaman kung kami na ba ang magkakatuluyan ng boyfriend ko? Matagal na ang aming relasyon, ngayon ay nasa abroad siya at balak na sana naming magpakasal sa susunod na taon.


Maestro, kung matutuloy ba ang nasabing kasal, magiging maligaya kaya ang aming papasuking pag-aasawa? Ang birthday ko ay December 12, 1997 habang April 15, 1998 naman ang boyfriend ko

Umaasa,

Dolores ng Bagong Silang, Calauag, Quezon

Dear Dolores,


Ang zodiac sign mong Sagittarius at Aries naman ang boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong fire o apoy, habang ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) at 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) naman ang boyfriend mo ay nagsasabing kapwa naman kayo tugma at compatible para sa isa’t isa.


Sapagkat, ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng parehong “fire o apoy” ay sadyang suwetung-suweto at tugma naman talaga, ganundin ang numerong 6 at 3 na kapwa under sa tinatawag na grupo ng numerong 3-6-9, sila ang mga numerong divisible by 3, at dahil magkakatugma sila maraming matagumpay na relasyon ang itinatala kapag ang nasabing mga numero ang nagkakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Upang lalo pang matiyak na magiging maligaya at successful ang papasukin n’yong pag-aasawa sa susunod na taong 2024 hanggang sa taong 2025, itapat n’yo ang pinaplanong kasal sa buwan ng Marso o kaya’y Abril, puwede rin sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre o kaya naman’y sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, sa mga piling petsang 5, 14, 23, 3, 12, 21, 30, 6, 154, 24, 9, 18, at 27, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang nasa new moon or full moon ang buwan sa langit.


Pula, violet, lilac, pink, o kaya’y lavender naman ang gamitin n’yong motif sa araw ng inyong kasal at puwede ring gamitin ang nasabing mga kulay sa mga gamit sa inyong bahay o kaya’y bilang opisyal na kulay ng inyong masaya at romantikong samahan.


Habang ayon sa iyong Love Calendar tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2024 hanggang 2025 sa nasabi ng mga buwan, walang duda, matutuloy ang binabalak n’yong kasal ng kasalukuyan mong boyfriend, upang ang nasabing pag-iisang dibdib ay tuluyan na ring mauwi sa pagbuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page