top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Lolo nakaaway, lumayas... 4-anyos na apo, nilason ni lola sa gatas, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 17, 2026



4 na anyos na nakaligtas noon sa ayaw mag live in, nilason ng lola - Don Carlos, Bukidnon Pulis

Photo: Courtesy Don Carlos, Bukidnon Pulis



Doble ang pagluluksa ngayon ng isang pamilya matapos masawi ang apat na taong gulang na batang babae matapos umanong painumin ng gatas na may lason ng kanyang lola, at pagkatapos ay naglason din ito sa Brgy. Poblacion  Sur, Don Carlos, Bukidnon.


Batay sa imbestigasyon ng Don Carlos Municipal Police Station, nag-ugat umano ang krimen sa pagtatalo ng lolo at lola na naging dahilan para umalis ang lolo sa kanilang tahanan.


Pag-alis umano ng lolo ay nagtimpla ng gatas ang lola at hinaluan umano ng zinc phosphide, isang uri ng lason para sa daga at inilagay sa feeding bottle at ipinainom sa apong si "Maya".


Ininom din umano ng lola ang bahagi ng tinimplang gatas na naging dahilan para isugod ang mga ito sa pagamutan.


Naunang binawian ng buhay si “Maya” at makalipas ng tatlong oras ay pumanaw din ang lola.


Nabatid ng mga imbestigador na si “Maya” ay nasa pangangalaga ng kanyang lolo at lola dahil ang ina ay pinatay umano ng live-in partner nito noong March 2023.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page