Lolo, kulong sa P2M shabu
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 10, 2026

Photo: PNP Police Regional Office 9
Arestado ang isang 64-anyos na lolo matapos mahulihan ng P2.04 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa inilunsad na buy-bust operation sa Brgy. Cawit, Zamboanga City.
Bahagi ito ng pinalakas na kampanya ng Police Regional Office 9 at partner agencies laban sa umano'y illegal drug trade sa rehiyon.
Ang pagkakasakote sa suspek ay resulta ng mahigpit na surveillance at intelligence work ng PNP Region 9 kasama ang Naval Intelligence Security Group-Western Mindanao, PNP Drug Enforcement Group, Zamboanga City Maritime Police at iba pa.
Nasamsam sa suspek ang tinatayang 300 gramo ng shabu.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang supplier ng ilegal na droga sa rehiyon.





Comments