top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lola dedbol sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 14, 2021



Negros Oriental—Isang 64-anyos na lola ang namatay nang mabangga ng trak kamakalawa sa Bais.


Kinilala ang biktima na si Milagros Juevas, nakatira sa nabanggit na bayan.


Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang tumakas na driver ng trak.


Ayon sa mga saksi, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pa kilalang driver at biglang nawalan ng kontrol kaya bumangga sa kulungan ng mga baboy na kinaroroonan ng biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi si Juevas sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page