top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Lola at utol, damay din... 11-anyos, nakuryente sa clip fan, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 8, 2026



Lola at utol, damay din... 11-anyos, nakuryente sa clip fan, patay

Photo: SS from GMA News / FB



Nasawi ang 11-anyos na babae matapos makuryente nang dumikit ang naputol na wire ng clip fan sa double deck na higaan sa kanilang bahay sa Las Piñas.


Ayon sa ama ng biktima na si Noel Advincula, basa rin umano ang anak at ang sahig dahil nag-iigib ito ng tubig nang mangyari ang insidente.


Sinubukan umanong tulungan ng lola at nakababatang kapatid ang bata ngunit nakuryente rin ang mga ito.


Namamasada bilang tricycle driver ang ama nang mangyari ang insidente at inabutan na lamang niyang wala nang buhay ang anak sa ospital.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page