Search
  • BULGAR

Localized lockdown, rekomendasyon ng WHO sa ‘Pinas.

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na magsagawa ng localized lockdown sa Pilipinas imbes na enhanced community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Ang rekomendasyong ito ay hindi lamang para sa kalusugan ng lahat kundi para na rin sa ekonomiya ng bansa. Kinakailangan ito dahil nakikita naming ang tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilang kalapit na bayan,” sabi ni World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.


Ibinahagi rin ni Abeyasinghe na hindi nagagawa nang maayos ang mga protocol kapag lumalabas ng bahay.


“What we are seeing now is with the gradual relaxation of the lockdown, we are seeing increasing numbers of cases. But we have to be careful here because the Philippine government has used the lockdown to expand its capacity for testing of cases and for expanding capacity in hospitals and quarantine centers to manage patient,” dagdag pa nito.


Matatapos ngayong araw, June 30 ang Enhanced Community Quarantine sa Cebu City at General Community Quarantine sa NCR.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.