LIZA, 2 DAYS AFTER MAG-AUDITION, PASOK NA SA HOLLYWOOD MOVIE
- BULGAR
- Aug 27, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 27, 2022

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Liza Soberano na natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng Hollywood movie.
Kasama ang aktres sa horror-comedy Hollywood film na Liza Frankenstein at nakapagsimula na ng shooting sa New Orleans, Louisiana sa US.
“I’ve had about 6 or 7 days of filming already,” kuwento ni Liza sa panayam ng TV Patrol.
Kasalukuyan daw siyang naka-break sa shooting at masayang-masaya ang aktres na nakuha niya ang role in just two days after the audition.
Ginagampanan ni Liza ang papel na stepsister ng Hollywood actress na si Kathryn Newton. Kasama rin niya sa movie ang Riverdale star na si Cole Sprouse.
Kuwento ni Liza, ang direktor mismo ng movie na si Zelda Williams (anak ng namayapang komedyante na si Robin Williams) ang nag-encourage sa kanya na mag-audition. Nagpadala siya ng self-tape audition at matapos ang 2 araw ay mayroon na agad magandang resulta.
Nasa South Korea raw siya nang tawagan ng isa sa kanyang mga managers at sabihang nakuha niya ang role.
“And then, I was like, ‘Oh, my gosh!’ But the funny thing is, I’d like to downplay things in my head until I’m actually there in the moment. Because I don’t wanna get too excited and then, biglang mauudlot,” aniya.
Ibinahagi rin ni Liza na na-intimidate na siya agad hindi pa man niya nakikilala ang mga co-stars.
“At first, I was definitely intimidated before I got to meet them because I didn’t know how they were going to be, I didn’t know how they were going to treat me.
“As soon as I got into it, it was as if I never took a break,” she said.
Masayang-masaya si Liza na matapos ang matagal na hindi pagharap sa camera, heto’t mayroon na siyang bagong project at Hollywood pa. Happy din ang aktres na mapapanood na raw siyang muli ng kanyang mga fans na matagal na ring naghihintay na magkaroon siya ulit ng project.
“I’m really happy that a lot of people know that I’m working on this project now because my fans have been waiting for the longest time since 2022 from me to go back into acting.
“And so I’m happy that they finally have something to look forward to,” sey ni Liza.








Comments