top of page

Listahan, puno na raw… HERLENE, NAPAHIYA NANG TANGGIHAN NI BEA NA MAG-NINANG SA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

Updated: 2 hours ago

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 24, 2025



Herlene Hipon Girl Budol

Photo: IG Herlene Budol



Inamin ng beauty queen-aktres na si Herlene Budol na napahiya siya nang tumanggi si Bea Borres na kunin siyang ninang sa ipinagbubuntis nitong sanggol.


Sa guesting ni ‘Hipon Girl’ sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), isa sa napag-usapan ay ang pag-reject sa kanya ni Bea nang magprisinta siyang ninang sa first baby ng aktres-content creator na mapapanood sa isang vlog ni Alex Gonzaga.


Ayon kay Bea, love niya si Herlene pero may mga dahilan siya kung bakit hindi niya ito kinuha bilang ninang.


“So what if I ‘rejected’ Ate Herlene as a ninang. It’s not that serious and deep. I didn’t know naman na magiging issue sa inyo. Eh ‘di kayo mag-anak,” sey ni Bea sa kanyang

post.


“But seriously, first trimester pa lang I already have a list of ninongs and ninangs. By

the way, love ko si Ate Herlene,” aniya pa.


Sey ni Herlene, ang paliwanag daw ni Bea sa kanya ay puno na raw ang listahan nito.


Paliwanag naman ni Hipon Girl, naapektuhan lang daw siya nang magkuwentuhan sila at naisip niyang gustong mag-ninang hindi dahil sobrang close sila.


“Gusto ko mag-ninang kasi parang kulang s’ya ng protector. Kulang s’ya ng taong hindi man mag-ga-guide, pero poprotektahan ko s’ya with or without camera bilang isang kaibigan,” paliwanag niya.


Dagdag pa niya, “‘Di naman ako nasaktan. Napahiya lang ako. Actually, ‘di ko nga s’ya naisip.”


Ang natutunan daw niya sa isyu ay huwag mag-volunteer na mag-ninang.

“Hanggang sa paulit-ulit na lang na may nagtatag sa akin na dapat hindi ka pala nagvo-volunteer ‘pag may ganu’ng klaseng bagay. Natutunan ko ‘yun sa isyung ‘yun,” aniya.


Paglilinaw pa ni Herlene Budol, “‘Di ako naging against sa naging sagot n’ya sa akin. Hindi sumama ang loob ko, mas naiintindihan ko nga ‘yun.”





Todo-enjoy sa bakasyon…

DEREK, DINALA ANG ANAK NILA NI ELLEN SA UK



KASALUKUYANG nasa United Kingdom si Derek Ramsay for a holiday vacation kasama ang kanyang pamilya. Take note, kasama rin niya ang anak nila ni Ellen Adarna na si Lily.


Makikita sa mga Instagram (IG) posts ni Derek ang mga ganap niya sa UK kasama si Lily, na good thing ay pinayagan ng kanyang estranged wife.


Sa isang larawan ay makikitang karga-karga niya ang anak habang ipinapasyal niya ito sa Bourton-on-the-Water, Gloucestershire, England. Makikita ring ipinasyal niya ang anak sa isang candy shop doon.


Sa isa pang photo ay makikita ang larawan ng isang ulirang ama habang karga-karga niya si Lily at pinapadede ng gatas.


Caption ng aktor, “My back is killing me, my dear.”


Umani ng mga positive comments ang post na ito ni Derek mula sa mga netizens na pumuri sa kanyang pagiging responsableng ama.


“The best dad pa rin si @ramsayderek07,” komento ng isang netizen.

“Taking care of a child for 24 hrs is like no joke at all,” sey naman ng isa pa.


“I hated listening to Ellen’s rants and toxicity. I go for Derek. I understand his needs as a man. Go Derek. I’m still a fan,” saad naman ng isang tagahanga.


Ayon sa tsika, hanggang New Year mananatili si Derek Ramsay at ang kanyang pamilya sa United Kingdom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page