Limang taon lamang ang bisa ng pasaporte ‘pag wala pang edad 18
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 8, 2020
Dear Chief Acosta,
Ako ay 17 years old pa lamang at nag-apply ako ng pasaporte. Napansin ko na ang bisa nito ay limang taon lamang at hindi 10 taon. Tama ba ito? – Phil
Dear Tiffany,
Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 10928, amending Section 10 of R. A. No. 8239, o mas kilala bilang Philippine Passport Act of 1996. Nakasaad sa nasabing batas na:
“Section 1. Section 10 of Republic Act No. 8239, otherwise known as the ‘Philippine Passport Act of 1996’ is hereby amended to read as follows:
SEC. 10. Validity - Regular passports issued under this Act shall be valid for a period of ten (10) years: Provided, however, That for individuals under eighteen (18) years of age, only a passport with five (5)-year validity shall be issued: Provided, further, That the issuing authority may limit the period of validity to less that ten (10) years, whenever in the national economic interest or political stability of the country such restriction is necessary: Provided, finally, That a new passport may be issued to replace one which validity has expired, the old passport being returned to the holder after cancellation.” (Binigyang-diin) Malinaw na nabanggit sa batas na ang mga indibidwal na kulang labing-walong (18) taong gulang ay mabibigyan lamang ng limang (5) taong bisa ang pasaporte.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments