top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

“Ligtas Paskuhan” kasado na, ingat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
1 min read

@Editorial | December 14, 2020



Kasado na ang ipatutupad na security measures para sa “Ligtas Paskuhan” na may pagsunod sa health and safety protocols.


Sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi lang virus ang dapat labanan kundi maging ang iba pang sitwasyon na makapagdudulot ng panganib at kaguluhan.


Kaugnay nito, tiniyak ng mga awtoridad na nakasentro sila sa pagbuo ng mga estratehiya para maging matagumpay ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kasagsagan ng Christmas season.


Nagkaisa ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na palakasin pa ang kanilang koordinasyon.


Tulad ng inaasahan, ipatutupad ang istriktong inspeksyon sa mga kalye ngayong holiday season.


Todo-bantay din ang mga awtoridad laban sa anumang banta ng karahasan.


Tayo naman bilang mamamayan, obligasyon din nating mapanatili ang disiplina at pangangalaga sa kani-kanyang nasasakupan na magsisimula sa pamilya.


Walang higit na mangangalaga sa ating mga anak kundi tayong mga magulang. Ganundin sa bawat barangay — panatilihin natin ang kaayusan.


Bagama’t hindi pa rin nawawala ang mga pasaway.


Hindi ipinagbabawal ang magsaya lalo’t bilang pagpapasalamat na sa kabila ng napakaraming nangyari sa taong 2020 ay nananatili pa rin tayong buhay at mas matatag. Gayunman, gawin natin ito nang may pag-iingat pa rin dahil hindi pa tapos ang laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page