top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ligtas na iskedyul ng pasukan, pag-aralang maigi

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2023
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 12, 2023


Inihirit ng isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na paiksiin ang susunod na school year na magsisimula ang klase sa Hunyo at magtatapos naman sa Marso.

Ayon sa Teachers Dignity Coalition (TDC), may matinding pangangailangan para bumalik sa dating school calendar na isa sa mga dahilan anila ay ang pagsasagawa ng klase sa kasagsagan ng kainitan ng panahon o summer na buwan ng Abril at Mayo.

Paliwanag ng grupo, itong school year ay nagkaroon at nakaranas sila ng sobrang init o extreme heat sa mga paaralan, kung saan isang matinding pagsubok ito para sa mga guro at estudyante.


Marami sa kanila ang nagkasakit at dahil sa tindi ng init, napilitan ang maraming paaralan na bumalik sa hindi gaanong kanais-nais na online at modular learning.

Tanggap naman ng TDC, ang naunang naging commitment ng DepEd na pag-aaralan nila ang panukala, gayunman, iginiit ng grupo na marapat na itong ikonsidera at gawin sa ngayon, at ibalik sa dating school calendar ang pasukan ng mga estudyante.

Batay sa previous department order ng DepEd, ang susunod na school year ay magsisimula sa Agosto 28 at magtatapos sa Hunyo 28, 2024.

Habang inirekomenda ng TDC na paiksiin ang next school year, na hanggang Abril 27, 2024 upang muling maibalik ang klase sa Hunyo 17, 2024, na kahalintulad ng mga dati nang iskedyul.

Mainam ang naging suhestyon ng ating mga guro sa kinauukulan. Nais nilang ibalik ang dating school calendar na magsisimula ng Hunyo at magtatapos ng Marso o Abril para sa kapakanan na rin ng ating mga estudyante.

Makatutulong din ito sa mga magulang na silang naghahatid at nagsusundo sa kanilang mga anak sa mga eskuwelahan.

Kapag maagang natapos ang pag-aaral ng mga bata, maaga rin silang makakapagpahinga at bakasyon.

Hindi na rin sila aabot sa tag-init na nagkaklase pa na kadalasang may iba’t ibang sakit na umuusbong.

Agad sanang tutukan ito ng kinauukulan upang maresolba na rin ang problema.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page