Libreng sakay sa MRT-3
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | August 1, 2026

Photo: File
Magkakaloob ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa mga may hawak ng National ID tuwing Miyerkules ng Agosto, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Global Identity Day.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaaring makalibre sa biyahe ang mga commuter mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi sa Agosto 5, 12, 19 at 26, gayundin sa Setyembre 16.
Kailangan lamang ipakita ang physical National ID, digital National ID o ePhilID sa paper format.
Magsasagawa rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng National ID registration sa mga istasyon ng MRT-3 sa Araneta-Cubao at Taft Avenue.





Comments