Libreng parking at coding exemption sa mga lolo’t lola

@Editorial | February 15, 2021
Isinusulong na malibre sa parking fee at ma-exempt sa number coding scheme ang mga senior citizens.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 8599 o ang “Free Parking and Coding Exemption for Senior Citizens Act”, target na mabigyan ang mga lolo’t lola ng simpleng benepisyo bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa pag-unlad ng bansa. Kung saan, hindi na pagbabayarin ng parking fees sa lahat ng establisimyento ang mga sasakyang nakarehistro sa pangalan ng senior citizen.
Para naman sa number coding, ang exemption ay para sa mga sasakyang minamaneho o may sakay na senior citizen.
Bagama’t limitado ang paglabas dahil sa pandemya, mainam na rin na pag-aralan ang mga ganitong panukala para sa inaasahang new normal at nang makabawi-bawi rin sila ng pasyal.
Kumbaga, mahigit kalahati ng kanilang buhay ay inilaan sa pagtataguyod ng pamilya at pagiging mabuting mamamayan, panahon na para ibalik naman natin sa kanila ang pasasalamat sa pamamagitan ng mga bagay na makapagpapagaan sa kanilang pamumuhay.



Comments