top of page
Search
  • BULGAR

Libreng pabahay sa mga pampublikong guro inihain sa Kamara

ni Jeff Tumbado | July 8, 2022



Inihain sa Kamara ng Pinuno Partylist ang isang panukala na kung maipapasa ay magkakaroon ng pabahay ang mga nasa pampublikong guro nang libre.


Ayon kay Pinuno PL Representative Howard Guintu, nitong July 4 nang ihain niya ang House Bill no. 1041 o ang “Free On-Site Living Quarters for Public School Teachers Act.”


Isa sa mga idinahilan ni Guintu kaya naihain nito ang panukala ay matulungan na mabawasan ang pasakit at kahirapan ng isang public school teacher na hindi sapat ang sweldo, bukod sa dinaranas na hirap sa pagko-commute patungo sa kanilang pinagtuturuang paaralan.


“This bill will address the problems of our public school teachers who need to travel though mountainous regions for long hours just to reach their designated schools,” pahayag ni Guintu.


Isa pa na binanggit ng neophyte lawmaker mula Pampanga ay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na magiging praktikal umano sa gobyerno kung matutulungan ang mga guro na mabawasan ang gastos sa kanilang transportasyon at sa kanilang pamilya na lamang nila maibigay.


Nabatid na ang Salary Standardization Law of 2019 ay naglalaan lamang sa bawat guro o teacher 1 positions ng halagang P25,349 bawat buwanang sweldo.


Nakasaad sa alituntunin na ang Department of Education (DepEd) ay nararapat na maglaan ng libre at maayos na pabahay sa mga guro na malapit lamang sa paaralan na kanilang pinagtuturuan.


Nakapaloob din sa panukala ni Guintu ang paglalaan ng mga karampatang benepisyo at allowances sa mga guro na hindi maaaring bawiin sa kanila.


Providing a safe and livable environment for our public school teachers will help improve their employment and working conditions,” saad pa ni Guintu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page