top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Libreng kuryente kapag nanalo si BBM, kalokohan

BULGAR
Nov 16, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 16, 2022


SA PAGPAPAGAWA NG CLASSROOM MAGPOKUS ANG MGA SENADOR, HINDI SA CONFIDENTIAL FUNDS PARA KAY SARA—Sa budget deliberation sa Senado ay natalakay ang kakapusan ng 167,901 classrooms sa bansa para sa mga mag-aaral at para matugunan ang problema ay kinakailangan itong paglaanan ng pamahalaan ng pondong P419 bilyon.


Ang pagpapagawa ng mga classrooms para sa mga mag-aaral ang dapat hanapan ng pondo at hindi ang confidential funds si Vice-President, DepEd

Sec. Sara Duterte-Carpio.


◘◘◘


DAPAT ISIPIN NG MAJORITY SENATORS NA PERA NG BAYAN AT HINDI PERA NG MGA SENADOR ANG CONFIDENTIAL FUNDS NA IBIBIGAY KAY SARA—Join na si Sen. Risa Hontiveros kay Sen. Koko Pimentel sa panawagang huwag bigyan ng P500 milyon confidential funds si Sara para sa tanggapan nito sa Office of the Vice-President (OVP) at P150 milyon para sa tanggapan nito sa DepEd.


Sana ay pakinggan ng majority senators ang panawagan nina Sen. Risa at Sen. Koko kasi pera ng bayan at hindi pera ng mga senador ang P650 milyon confidential funds para sa OVP at DepEd na hinihingi ni Sara.


◘◘◘


MATAPOS 'PATAYIN' ANG HANAPBUHAY NG MGA MAGSASAKA, NEXT NA 'PAPATAYIN' ANG HANAPBUHAY NG MGA MANGINGISDA—Tinutulan ng Pamalakaya (asosasyon ng mga mangingisda) ang plano ng Department of Agriculture na umangkat o mag-import ng 25,000 metriko toneladang isda sa ibang bansa.


Tututulan talaga ng Pamalakaya ang importation ng isda sa ibang bansa kasi ang dulot niyan ay "pagpatay" sa hanapbuhay ng mga mangingisda, tulad nang ginawang "pagpatay" ng nakaraang Duterte administration sa hanapbuhay ng mga magsasaka nang isabatas ang rice tariffication law na nagbibigay-pahintulot sa mga kapitalista na mag-import nang mag-import ng mga imported rice.


◘◘◘


FAKE NEWS ANG IKINALAT SA SOCIAL MEDIA NG MGA BLOGGERS NA KAPAG SI BBM ANG NAGING PANGULO AY MAGIGING FREE ELECTRICITY NA ANG MGA PINOY—Ngayong Nobyembre 2022 ay nagtaas na ang Meralco ng singil sa konsumo sa kuryente ng mamamayan.


Patunay 'yan na pang-uunggoy lang sa publiko ang mga post sa social media ng mga bloggers na kapag naging pangulo si BBM ay babawiin na ng Marcos ang Meralco para maging free na sa konsumo sa kuryente ang mga Pilipino.


Dahil dito, ngayon ay napagtanto ng majority Pinoys na na-fake news sila ng mga bloggers kasi mantakin n'yo, Nobyembre na ay hindi pa nababawi ang electric company at ang masaklap ay nataas pa ng singil sa kuryente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page