Search
  • BULGAR

Libreng COVID-19 vaccine sa minimum wage earners

@Editorial | January 12, 2021



Ipinapanawagan sa gobyerno na isama rin ang mga manggagawa partikular ang mga minimum wage earners sa libreng bakuna kontra COVID-19.


Silang naghahatid din ng mga pangunahing serbisyo tulad sa mga construction sites, pabrika, palengke at grocery, at iba pang lugar.


Kabilang sila sa mga mas lantad sa banta ng COVID-19 dahil halos araw-araw ay lumalabas ng bahay, nakikipagsapalaran sa pampublikong transportasyon at humaharap sa iba’t ibang tao.


Napakahalagang maisama sila sa listahan ng mga dapat unahin sa libreng bakuna dahil bukod nga sa maaaring wala silang sapat na kakayahan para makabili ng bakuna, eh, nakadepende rin sa kanilang trabaho ang publiko.


Kaya tama lang na bago pa umarangkada ang pagbabakuna ay busisiin munang mabuti ang kabuuan ng programa.


Una nang inanunsiyo ng gobyerno na tinatayang 70% ng kabuuang populasyon ang nais mabakunahan sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang taon.


At natutuwa naman tayong hindi lang gobyerno ang nagsisikap na makapaglaan ng pondo para sa COVID-19 vaccine, dahil maging ang mga nasa pribadong sektor ay nakahanda ring gumastos para naman sa kanilang mga empleyado.


Muli, kung may sapat na pondo, maayos na proseso at tuluy-tuloy ang tapat na serbisyo, kayang-kaya nating makabawi sa pandemic na ‘to.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.