Libong Swedes, nakatanggap ng maling positive covid-19 result sanhi ng test kit fault
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | August 26, 2020

Tinatayang 3,700 sa Sweden ang tumanggap ng error, na infected ang mga ito ng coronavirus, dahil sa pagkakamali sa covid-19 testing kit mula sa China, ayon sa Public Health Agency.
Gayundin, hindi matukoy ng kit na nagmula sa BGI Genomics, ang lebel ng virus sa isang tao, kung ang estado nito ay napakababa at nagreresulta sa negative, sabi pa ng ahensiya.
"The supplier must adjust the performance that is required for this test to be used," sabi ni Karin Tegmark Wisell, hepe ng microbiology department ng ahensiya.
Ayon kay Tegmark, naging widely exported sa maraming bansa ang test kit kaya sinubok nila ito, subalit hindi ito nagbigay ng ibang detalye.
Dalawa sa mga subsidiaries ng BGI Genomics, ay nasa US economic blacklist ng mga kumpanya, kung saan nasasangkot sa human rights violations tungkol sa treatment ng China sa Uighurs, subalit tumangging magbigay ng anumang komento ukol dito.
Samantala, nakatanggap ito ng emergency use authorization mula sa US authorities para sa coronavirus testing kits noong Marso at nakakuha ng isang Emergency Use Listing galing naman sa World Health Organization noong Mayo.
Gayunman, isinasaayos na ng Swedish labs, na nag-evaluate ng tests, ang pagkuha ng test na tutugma sa methodology o pamamaraan ng bansa. Hindi pa makumpirma ng ahensiya kung ilang test ang naisagawa gamit ang naturang kit, subalit mga minor cases lamang ang nakasama dito, na ang virus ay may napakababang lebel.
Ayon pa sa Sweden, naapektuhan lamang ng false results, ang marginal statistics ng infections.
Sa report ng ahensiya, simula pa ng unang kaso ng covid-19 sa bansa, mayroong 86,891 kumpirmadong tinamaan ng virus sa Sweden at 5,814 ang namatay.
Subalit, bumaba ang mga kaso ng coronavirus, ang intensive care admissions at namamatay sa naturang bansa noong nakaraang linggo. Patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng istratehiya kontra covid-19 at ang ibang lugar ay nananatili sa restriksiyon lalo na sa mga public event, tulad ng football matches.





Comments