Letran Knights, finalist na; Cool Smashers, matibay pa
- BULGAR
- Nov 13, 2022
- 1 min read
ni VA - @Sports | November 13, 2022

Una nang sumungkit ng final 4 berth ang defending champions Letran sa NCAA Season 98, matapos ang 84-77 na panalo kontra Emilio Aguinaldo College kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Ginilat ng Knights ang Generals sa fourth quarter, 24-14, matapos habulin ang dikit na iskor sa third period at kunin ang ika-9 na panalo. Wala pang nasayang na laro ang Letran sa second round.
Umiskor si King Caralipio ng 12 sa kanyang team-high 16 points sa fourth quarter kasabay ng pagsunggab ng 11 rebounds, habang si Kurt Reyson ay may 14 points at five assists. Sina Fran Yu (10 points) at Louie Sangalang (10) para sa double-digits ng Knights.
Samantala, tinalo ng Creamline UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23 para patatagin ang momentum sa grand slam drive sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Humabol ang Cool Smashers sa maagang 8 puntos na pagkaiwan (2-10) sa fourth hanggang sa tumuntong ng 21-17 lead hanggang sa mamayani sina Ced Domingo at Jema Galanza laban kay Army import Laura Condotta.
“In this conference, you can never tell how it’s going to be because of the imports.

They contribute every game, especially in offense. All imports are tough to contain and we just have to improve in our next game,” ayon kay Creamline coach Sherwin Meneses matapos gabayan ang Cool Smashers sa four-set win ang team mula pa sa winless campaign sa season-ending conference.








Comments