Leo at Aquarius, super-compatible kaya magkakatuluyan
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 14, 2021
Dear Maestro,
Compatible ba ang Aquarius at Leo? Ang dami ko nang nakarelasyon pero palagi akong bigo sa pag-ibig at iniiwan ng mga lalaking nakakasama ko. Isinilang ako noong February 12, 1997 habang ang boyfriend ko ay isinilang naman noong August 4, 1993.
Five years na siyang hiwalay sa kanyang asawa at dalawang beses na kaming nagkikita. Okey naman siya at ipinakilala niya na rin ako sa parents at mga kapatid niya. Kami na ba ang magkakatuluyan at siya na ba ang itinakda sa akin ng kapalaran upang makasama ko habambuhay?
Umaasa,
Pamela ng San Roque, Angono, Rizal
Dear Pamela,
Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang Leo dahil siya ang tinatawag na “opposite attracts” mo. Ito ay dahil ang Aquarius ay “air type sign” habang ang Leo naman ay isang “fire type sign”. Ang hangin o air sa aktuwal na senaryo ang siyang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary ang inyong samahan.
Dagdag pa rito, ang birth date niyang 4 ay numero rin ng zodiac sign mong Aquarius dahil ito ay under sa planetang Uranus ay may katumbas na numerong 4.
Kaya sa pisikal na deskripsiyon at mga gawain, kung may pagka-weird at kakaiba ang kanyang trabaho, ang nature ng kanyang propesyon o ang mismong background ng kanyang pamilya, ‘yun ang palatandaang siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.
Sapagkat nakahiwalay mo ang mga normal o pangkaraniwang lalaki dahil hindi sila ang nakatakda sa iyo. Bagkus, ang nakatakda sa iyo ay hindi pangkaraniwan na lalaki o sabihin na nating may kakaiba sa kanyang pagkatao, propesyon o background ng kanyang pamilya.
Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan at paghihiwalay ang iyong karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa bandang huli, sa panahong itinakda ng kapalaran ay matatagpuan mo rin ang nakalaan sa iyo, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2028, sa edad mong 31 pataas.




Comments