Lemetti ng RoS E-Painters binigo ang Kings sa Ilocos Sur
- BULGAR
- Aug 25, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | August 25, 2024

Matamis na ngiti ang pinalasap ng Rain or Shine sa kanilang conqueror na Barangay Ginebra nang payukuin ang outstanding favorite Kings, 73-64, sa kanilang out-of-town game at sumosyo sa early leadership sa Talk ‘N Text sa 2-0 record sa 49th PBA Season Governor’s Cup kagabi sa Candon, Ilocos Sur.
Rumatsada ang Elasto Painters 11-2 run kasama ang tres nina Andrei Caracut, Francis Escandor at Felix Lemetti at iposte ang pangalawang sunod na panalo matapos talunin ang Blackwater, 110-97, sa unang laro sa Smart Araneta Coliseum at gantihan ang Kings na tumalo sa kanila sa Commissioner’s Cup, 107-102, at All-Filipino Cup, 90-85.
Dalawang puntos lang ang naiskor ng Barangay Ginebra sa huling limang minuto sa lungkot ni coach Tim Cone. Umiskor si Craig Aaron Fuller ng 15 points, 23 rebounds at 3 assists at itinanghal ang 33 years old import na taga-Arizona state na best player of the game.
Nag-ambag si Lemetti ng 13 points at newly crowned rookie of the year Stephen Holt ng 11 points. Nakitaan ang Barangay Ginebra ng pagkakalawang sa kanilang laro sanhi nang mahabang pahinga na umabot ng mahigit isang buwan at masuwerteng nalusutan ang RoS.
Pati si Justine Brownlee ay hindi makaiskor at tinalo ni Fuller sa kanilang match up.“It’s pretty good we won our first two games. The back-to-back wins bolstered the morale and fighting spirit of the players play their best in the succeeding games,” sabi ni coach Yeng Guiao.
Lumamang ang Barangay Ginebra 44-36 sa third quarter.Subalit nabigo ang Kings na panatilihin ang hawak sa rieda at bumigay sa huli.
Lumapit ang RoS sa 44-47 at inagaw ang lamang 49-47 sa tres ni rookie of the year Stephen Holt. Nabawi ng Barangay ang lamang 52-51 sa pagtatapos ng third period.
Comments