Laya kay De Lima, kulong kay Duterte next? Abangan!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 14, 2023
MGA PINOY, NABUDOL NA SA INFLATION RATE, BINUDOL PA SA PAGLAGO RAW NG EKONOMIYA—Magkasunod na inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 6.6% ang inflation rate at lumago naman daw nang 6.4% ang ekonomiya ng Pilipinas.
‘Yan ang doble-pambubudol ng PSA sa mga Pinoy dahil hindi naman bumababa ang presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos ibibida nila na mula sa 7.6% noong Marso, 6.6% na lang ang inflation rate ng Pilipinas noong Abril. At sa kabila ng napakataas na presyo ng mga bilihin at bayarin, milyun-milyon ang jobless at baon sa utang ang bansa, lumago na raw sa 6.4% ang ekonomiya ng ‘Pinas, boom!
◘◘◘
PANG-EEPAL LANG ANG IPINAKIKITANG MALASAKIT NG MGA CONG. SA MGA SENIOR CITIZEN—Maituturing na pang-eepal lang sa publiko ang isinusulong ng mga kongresista na bigyan ng P1 milyon ang mga senior citizen na umabot sa edad 101 dahil sa panahon ngayon ay bihirang may umabot sa ganyang edad. Kung umabot man, tiyak na may pagka-ulyanin na, at hindi na alam kung ano ‘yung P1-M na cash gift ng pamahalaan.
Kung taos-puso sa mga cong. na magbigay ng cash gift sa mga senior, dapat ay ibaba nila sa edad 90 ang mabibigyan ng P1-M, at ang mga bibigyan naman ng P100-K ay ‘yung may edad na 85, at tig-P25-K para sa mga umabot sa 80-anyos. Ang mga lolo’t lola na may ganyang edad ay malalaman pang binigyan ng pagpapahalaga ng pamahalaan ang pagkaabot nila sa ganyang edad, period!
◘◘◘
PAG-ABSUWELTO NG 2 KORTE KAY DE LIMA, PATUNAY NA ‘MORO-MORO’ ANG IKINASO NG DUTERTE ADMIN LABAN SA DATING SENADORA—Ang dalawa sa tatlong kasong may kinalaman sa droga na isinampa ng Duterte administration laban kay former Sen. Leila de Lima ay na-dismiss na ng korte.
Ang desisyon ng dalawang korte na pumabor kay De Lima ay patunay na ‘moro-moro’ o imbento lang ang ikinaso ng nakaraang administrasyon laban sa dating senadora, boom!
◘◘◘
DE LIMA, MALAPIT NANG MAKALAYA, EX-P-DUTERTE MALAPIT NANG MAKULONG?—Isang kaso na lang ang kinakaharap ni De Lima at inaasahan din na maaabuswelto siya rito. Sa kabilang banda, umuusad pa lang ang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) laban kay ex-P-Duterte.
Dahil d’yan, asahan nang sa mga susunod na araw ay makakalaya na si De Lima, at kapag minalas at magpalabas ng warrant of arrest at matimbog ng ICC si ex-P-Duterte, siya naman ang makukulong, abangan!





Comments