top of page

Latin American gov't, nagkaisa para sa Mexico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 7, 2024




Nagkaisa ang mga pamahalaan sa Latin America para sa Mexico matapos ang pag-atake sa embahada nito sa Ecuador.


Ito ay matapos arestuhin ang isang pulitiko na pinagbigyan ng ‘asylum’ o proteksyon mula sa ibang bansa ng mga otoridad ng Mexico.


Ang pag-aresto ng dating Bise-Presidente ng Ecuador na si Jorge Glas nu'ng Biyernes ng gabi dahil sa mga kaso ng pandaraya, ay nagdulot ng pansamantalang suspensyon ng ugnayan sa pagitan ng Mexico City at Quito.


Magugunitang kinondena ng pamahalaan ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang hindi pangkaraniwang diplomatikong pagsalakay at pag-aresto bilang isang 'authoritarian' na aksyon pati isang paglabag sa batas ng Mexico.


Nanindigan naman ang administrasyon ni President Daniel Noboa ng Ecuador na ilegal ang mga proteksyon ng asylum dahil sa mga kaso ng katiwalian na hinaharap ni Glas.


Mariin namang kinondena ng mga pamahalaan ng Latin America kasama ang mga bansang Brazil, Columbia, Argentina at Uruguay ang naging pag-aresto kay Glas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page