Last will and testament, ready na… WILLIE, PANTAY-PANTAY ANG PAMANA SA MGA ANAK, SOBRANG YAMAN, PARA SA CHARITY
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 27, 2026

Photo: File / IG _willrevillame
Sa presscon ng kanyang game show na Wilyonaryo, sinabi ni Willie Revillame na at this point of his life ay wala na siyang hinihiling pa sa Diyos kundi ang magandang kalusugan para sa kanya at sa kanyang mga anak.
Hindi na siya naghahangad ng anumang materyal na bagay dahil halos nakuha na niya ang lahat ng kanyang pinangarap sa buhay.
Financially secured na rin siya at napaghandaan na ang magandang future para sa kanyang mga anak.
Naihanda na rin daw ni Willie ang kanyang last will and testament. Sakali mang pumanaw na siya, pantay-pantay ang mamanahin ng kanyang mga anak.
Ibinilin din niya na kung may sumobra sa yaman na kanyang iiwan ay i-donate ito sa charity at itutulong sa mahihirap.
Ngayong araw ang ika-67 birthday ni Willie Revillame. Inilunsad na rin ang bago niyang game show na Wilyonaryo na pansamantalang mapapanood muna sa website. Under negotiation pa ang pag-ere ng game show sa TV5.
Sa kanyang mga game shows sumikat nang husto si Willie Revillame tulad ng Wowowee, Willing Willie, Wil To Win (WTW), at ngayon ay Wilyonaryo. Masaya siya sa mga game shows kaya lagi niya itong binabalik-balikan.
Todo-thank you kay Coco na isinama sa serye…
WILLIAM, ‘DI KINAYA ANG PANINIRA NG MGA CO-STARS SA BATANG QUIAPO, OUT NA SA SHOWBIZ
May mga entertainment press ang nagtatanong kung bakit inisnab umano ni William Martinez ang unang gabi ng pagtatanghal ng Bagets The Musical (BTM) na produced ng Viva Entertainment.
Isa si William sa mga original cast noon ng Bagets movie kasama sina Herbert Bautista, Francis Magalona, Raymond Lauchengco, Eula Valdez, Yayo Aguila, atbp.. Kaya naman, in-expect ng lahat na susuporta ang aktor.
Pero hindi nga dumalo at nanood si William, kaya marami ang nagsabing inisnab niya ito.
Gayunman, alam namin na may malalim na dahilan ang hindi pagdalo ni William sa BTM. Nagdeklara na siya sa social media na magre-retire na sa showbiz. Iiwan na niya ang mundo ng pelikula at telebisyon para sa kanyang peace of mind. Masyado na siyang nasaktan sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Masakit para kay William ang pagkulimlim ng kanyang career at ang paghihiwalay nila ni Yayo Aguila. Gustuhin man niyang muling bumalik at bumangon ay hindi siya nabibigyan ng pagkakataon.
Nagpapasalamat siya kay Coco Martin na kinuha siya sa Batang Quiapo (BQ) at binigyan ng magandang exposure. Pero hindi kinaya ni William ang masasakit na sinasabi at paninira sa kanya ng ilang artistang kasama sa action-drama serye. Deep inside ay dinamdam niya iyon, kaya naisipan niyang mag-quit na sa showbiz.
Ang tanging taong maituturing niyang totoong kaibigan ngayon ay si Gabby Concepcion na laging nangungumusta sa kanya. Madalas din siyang imbitahan ni Gabby sa kanyang rest house sa Batangas.
Kapag may mga out-of-town shows si Gabby ay isinasama siya at niyayayang mag-perform sa stage. Ganu’n kabait si Gabby Concepcion kay William Martinez kaya hindi maalis kay William ang kanyang sentimyento sa ilang dating kasamahan sa Bagets movie na hindi man lang daw nakaalala na mangumusta at batiin siya. Tapos ngayon, hahanapin siya sa pagtatanghal ng BTM?
Fans, naalarma…
BARBIE, 2 BESES DAW MAGPAPAKASAL
MARAMING fans ni Barbie Forteza ang na-curious sa hula ng psychic na si Rudy Baldwin tungkol sa Kapuso actress.
Hinulaan kasi ni Baldwin na dalawang beses daw magpapakasal si Barbie dahil hindi magiging successful ang una niyang kasal.
Gusto ring malaman ng mga tagahanga ni Barbie kung taga-showbiz ang dalawang lalaking kanyang pakakasalan.
Ayon pa kay Rudy, maraming seryosong manliligaw ang aktres kaya nahihirapan siyang pumili sa mga suitors.
Pero sa latest interview kay Barbie, sinabi niyang wala siyang balak na magpakasal. Marami pa raw siyang gustong gawin para sa kanyang career at marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Kaya walang kasalan na magaganap kay Barbie Forteza ngayong 2026. Bukod dito, wala naman siyang boyfriend ngayon.








Comments