Search
  • BULGAR

Lamok o dengue hindi nakaaapekto sa COVID-19

ni Twincle Esquierdo - @News | June 28, 2020



Ang tag-araw daw ay makatutulong upang malabanan ang COVID-19. Ngayon namang nalalapit na tag-ulan ang ilan sa atin ay ngangamba dahil makaaapekto o makapagpapalala ba ito sa lumalakwak na sakit sa buong bansa. Marami rin ang nagtatanong kung nakaaapekto ba ang lamok o denque upang magkaroon ng kasalukuyang kumakalat na sakit? Bilang tugon sa pag-aalala, sinabi ni Wang Liping, isang mananaliksik mula sa Beijing Center for Control Disease and Prevention, sinabi na wala pang ebidensiya kung nagkakaroon ba nang COVID-19 sa pamamagitan ng kagat lamok o dengue. Sinabi niya na ang virus ay higit na kumakalat sa pamamagitan ng mga droplets ng paghinga at pisikal na pakikipag-ugnay, ang virus ay maaaring makahawa sa isang tao sa pamamagitan ng mga respiratory droplets ng isang pasyente, paghawak sa mga bagay na maaaring nahawakan ng apektado ng COVID-19 at paghawak sa mata o bibig.

Gayunpaman, sinabi ni Wang na ang mga lamok at dengue ay maaaring makapagpadala ng iba pang mga nakakahawang sakit, tulad ng malaria at lagnat. Pinapaalala niya sa mga tao na mag-ingat hindi lamang sa para malabanan ang COVID-19 kun’di pati natin ang sakit na dulot ng dengue.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.