Matinding makahawa... Lambda COVID-19 variant, nasa ‘Pinas na
- BULGAR

- Aug 15, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 15, 2021

(Updated) - Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo ang unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, isang “variant of interest” (VOI) na base sa mga pag-aaral ay nai-report na mas nakahahawa at sinasabing vaccine-resistant kumpara sa iba pang virus strains.
Ayon sa DOH, isang 35-anyos na babae ang kauna-unahang kaso ng Lambda variant. Subalit, hindi pa nadedetermina ng ahensiya kung ito ay “local case o returning overseas Filipino.” Sinabi naman ng ahensiya na ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na sa sakit matapos na sumailalim sa 10-araw na isolation period.
Tiniyak ng DOH sa publiko na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente. “This variant of interest has the potential to affect the transmissibility of SARS-CoV-2 and is currently being monitored for its possible clinical significance,” pahayag ng DOH.
Ang Lambda variant ay unang na-detect sa Peru noong nakaraang taon at naitalang mas infectious kumpara sa orihinal na strain na nagmula sa Wuhan, China noong 2019.
Lumabas sa mga pag-aaral na ang Lambda variant ay mas resistant at 'di kayang labanan umano ng COVID-19 vaccines. Ito rin ay ikinlasipika bilang VOI ng World Health Organization noong Hunyo 14.
Matatandaang nito lamang Hulyo, sinabi ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma, “The variant is an emerging global public health risk because it was first detected in Peru, which so far has the highest COVID-19 death rate.”




Comments